Lalaki patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City

By Mary Rose Cabrales January 30, 2020 - 05:48 AM

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City, gabi ng Miyerkules (January 29).

Nakilala ang biktima na si Rey Laborado, 30 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki ang pumasok sa bahay ng biktima bandang ala-6 ng gabi
at pinagbabaril ang biktima na agad namatay dahil sa tama ng bala na kanyang natamo.

Limang basyo ng bala ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa pamamaril sa biktima.

TAGS: dead-on-the-spot, Pamamaril, QC, dead-on-the-spot, Pamamaril, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.