Butuan, gabi ng Martes (January 28).
Ayon sa Regional Chief ng Anti-Cybercrime Unit 13, ikinasa ang entrapment operation matapos magpatulong ang isang
19 taong gulang na babae dahil sa banta na ikakalat ng 30 taong gulang na suspek ang kanyang mga hubad na larawan
sa social media kung hindi ito makikipagkita at makikipagtalik sa kanya.
Pumayag naman ang biktima sa kondisyon ng suspek at sa tulong ng mga otoridad ay naaresto ito.
Ayon sa mga otoridad ay bago pa man maaresto ang supek ay ikinalat na niya sa pamilya ng dalaga at mga kakilala nito
ang mga hubad na larawan at nang makumpiska ang cellphone ay nabura na niya ang mga ito.
Inamin ng suspek na nagawa lamang daw niya iyon dahil gusto niyang makipagbalikan sa kanya ang kanyang dating
kasintahan.
Nahaharap ang suspek sa kasong Grave Coercion, paglabag ng Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at Violence
Against Women And Their Children Act of 2004.