Bus inspector arestado matapos mang-blackmail sa Butuan City

By Mary Rose Cabrales January 30, 2020 - 05:40 AM

Arestado ang isang bus inspector matapos i-blackmail ang dati nitong kasintahan sa Purok 1, Barangay Ampayon sa
Butuan, gabi ng Martes (January 28).

Ayon sa Regional Chief ng Anti-Cybercrime Unit 13, ikinasa ang entrapment operation matapos magpatulong ang isang
19 taong gulang na babae dahil sa banta na ikakalat ng 30 taong gulang na suspek ang kanyang mga hubad na larawan
sa social media kung hindi ito makikipagkita at makikipagtalik sa kanya.

Pumayag naman ang biktima sa kondisyon ng suspek at sa tulong ng mga otoridad ay naaresto ito.

Ayon sa mga otoridad ay bago pa man maaresto ang supek ay ikinalat na niya sa pamilya ng dalaga at mga kakilala nito
ang mga hubad na larawan at nang makumpiska ang cellphone ay nabura na niya ang mga ito.

Inamin ng suspek na nagawa lamang daw niya iyon dahil gusto niyang makipagbalikan sa kanya ang kanyang dating
kasintahan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Grave Coercion, paglabag ng Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at Violence
Against Women And Their Children Act of 2004.

TAGS: blackmail, Bus inspector, Butuan City, hubad na larawan, blackmail, Bus inspector, Butuan City, hubad na larawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.