Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa kailangang i-ban ang mga biyahe mula Pilipinas hanggang China at pabalik.
Ito ay sa kabila ng banta ng novel coronavirus (nCoV).
Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na mahirap mag-suspinde ng mga flight gayung nagpatupad na ng lockdown ang China sa mga lugar na mayroong kumpirmadong kaso ng virus.
Tiniyak din ng pangulo na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng worst-case scenario bunsod ng nCoV.
Matatandaang mahigit 100 na ang nasawi sa China bunsod ng bagong virus.
Sa huling abiso naman ng Department of Health (DOH), nananatili coronavirus-free ang Pilipinas.
READ NEXT
Mga senior citizen, PWD maaari nang magtrabaho sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Maynila
MOST READ
LATEST STORIES