Drug den sa Tagbiliran City, Bohol sinalakay ng PDEA; 7 timbog

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Tagbiliran City, Bohol Miyerkules ng hapon.

Ayon sa PDEA RO VII – Central Visayas, isinagawa ang buy-bust operation sa Upper Calceta Street sa Barangay Cogon bandang 2:00 ng hapon.

Naaresto ang mga suspek na sina Anecito Laway, 27-anyos; Rey Santarosa, 27-anyos; Noel James, 51-anyos; Uriel Dahilan, 59-anyos; Diomedesa Santarosa, 46-anyos; at Julito Caturnay, 46-anyos.

Narekober sa pito ang 30 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang limang gramo at ilang drug paraphernalia.

Ang kontrabando ay may estimated street market value na P34,000.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

Read more...