Mga pulis at sundalo na naka-deploy sa Bulkang Taal, pinawi-withdraw na ni Pangulong Duterte

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Pinauuwi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at pulis na ipinadala sa Batangas bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi nito na nakalanghap na ng isang sako ng abo mula sa bulkan ang mga pulis at sundalo.

Ilang linggo na aniyang naka-deploy ang mga pulis sa paligid ng Bulkang Taal.

Ayon sa pangulo, bahala na ang mga local government official at ang mga pulis na talagang naka-assign sa Batanags na magpatupad ng batas.

Ayon sa pangulo, bahala na rin ang mga taga-Batangas na magpasya kung magpupumulit na pumasok sa danger zone sa Bulkang Taal kahit na ipinagbabawal pa.

Ayon sa pangulo, nakalulungkot kasi na dahil ang mga pulis at sundalo ang nagmumukhang guilty o masama kapag pinagbabawalan ang mga residente na bumalik sa lugar kahit na hindi pa ligtas.

Una rito, sinabi ng Philippine Natonal Police (PNP) na 2,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipinadala sa Bulkang Taal.

Read more...