Northeast Monsoon, umiiral pa rin sa Luzon – PAGASA
Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o hanging Amihan sa bahagi ng Luzon.
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley bunsod nito.
Halos wala naman aniyang namamataang makakapal na ulap sa bansa.
Dahil dito, malabo aniyang makaranas ng pag-ulan sa mga susunod na oras.
Ani Rojas, magiging maaliwalas pa rin ang panahon sa nalalabing parte ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Wala pa rin aniyang binabantayan ang PAGASA na posibleng mabuo o pumasok na weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.