Lumabas sa Fourth Quarter 2019 survey na 39 posyento ang ‘gainers’ habang 21 porsyento naman ang ‘losers’ o nagsabing hindi naging maganda ang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.
Kasunod nito, umabot ang net gainers score na +18 dahilan para mapasama sa “very high” classification.
Mas mataas ito sa +11 noong Setyembre, +13 noong Hunyo at +17 noong Marso.
Samantala, lumabas din sa survey na 47 porsyento ng mga Filipino ang “optimistic” o tiwalang bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan habang 9 porsyento naman ang nagsabing hindi.
Isinagawa ang survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula December 13 hanggang 16, 2019.
Ginamit sa survey ang sampling error margins ng ±3% para sa national percentages habang tig-±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.