39 porsyento ng mga Filipino, nagsabing bumuti ang pamumuhay – SWS

By Angellic Jordan January 29, 2020 - 05:30 PM

Nasa 39 porsyento ang mga Filipino na nagsabing bumuti ang kanilang pamumuhay, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa Fourth Quarter 2019 survey na 39 posyento ang ‘gainers’ habang 21 porsyento naman ang ‘losers’ o nagsabing hindi naging maganda ang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

Kasunod nito, umabot ang net gainers score na +18 dahilan para mapasama sa “very high” classification.

Mas mataas ito sa +11 noong Setyembre, +13 noong Hunyo at +17 noong Marso.

Samantala, lumabas din sa survey na 47 porsyento ng mga Filipino ang “optimistic” o tiwalang bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan habang 9 porsyento naman ang nagsabing hindi.

Isinagawa ang survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula December 13 hanggang 16, 2019.

Ginamit sa survey ang sampling error margins ng ±3% para sa national percentages habang tig-±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

TAGS: quality of life, SWS, quality of life, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.