18 na ang pangalan sa UNA senatorial line-up

July 02, 2015 - 03:03 PM

una party launch
Kuha ni Ricky Brozas

May shortlist na ang United Nationalist Alliance sa kanilang senatorial line-up sa 2016 elections.

Kinumpirma ito ni Atty. JV Bautista sa Radyo Inquirer isang araw matapos ang formal launching ng UNA bilang isang political party.

Ayon kay Bautista, nasa 18 pangalan ang nasa kanilang shortlist para sa senatorial slate.

Tumanggi naman si Bautista na banggitin kung sino-sino ang mga tatakbong senador sa ilalim ng partido. “Yun amin pong senatorial list umaabot na ng 18 names e. I am not at liberty to announce the names. Marami po dun sa maaaring lumabang senador ay hindi mga politiko kundi mga abogado.”

Kaugnay nito, ipinagtanggol ni Bautista ang hindi pagsipot ng isa sa mga founder ng UNA na si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa launching ng partido kahapon.

Hindi naman dapat palakihin ang isyu ng hindi pagdalo ni Estrada. “Yun pong koalisyon na yun natapos na ho yun after the 2013 elections. Ang ginawa ho ni VP Binay nag-organisa ng panibagong partido. Si Erap ho mismo ang nagbigay ng suggestion at amin namang tinanggap… E di gamitin nyo na ‘yung pangalang UNA tutal maganda naman yung naging track record nito. Hindi naman po technically member si Pangulong Mayor Erap dyan kaya po hindi naman talaga malaking bagay na hindi siya dumating kahapon sa launching kasi hindi naman ho talaga nya partido yan.”

Ayaw namang kumpirmahin ni Bautista na kasama sa kanilang senatorial line-up si Manila Vice Mayor Isko Moreno na huling termino na sa Maynila.

Ngunit kinumpirma ni Bautista  na may mga miyembro ng ruling Liberal Party ang magde-defect at aanib sa kanilang partido.

“Pagka ho pinag-aralan nyo ang kasapian nitong LP, makikita nyo na marami sa kanila ang hindi original LP kamukha ho nila Speaker (Sonny) Belmonte, Ben Evardone, sila Gov. (Joey) Salceda sina Neptali Boyet Gonzales. Yan po ay galing sa partido ni Gloria Macapagal Arroyo.”

“Mahina na ang LP dahil hanggang ngayon nararamdaman nina na walang desisyon, hindi makadesisyon kung sino ang ilalaban nila. E maaari ho talagang lumipat na ng partido yan.”/ Jimmy Tamayo

 

 

 

 

TAGS: Senator, UNA, Senator, UNA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.