Apat na Japanese nationals na inilikas mula Wuhan City dinala sa ospital matapos makitaan ng sintomas

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 12:47 PM

Apat na Japanese nationals na inilikas mula sa Wuhan City ang dinala sa ospital pagdatin sa Japan.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Government, may ubo at lagnat ang apat kaya agad silang dinala sa pagamutan.

Kabilang sila sa 206 na Japanese nationals na inilikas mula sa Wuhan City.

Ang apat ay kinabibilangan ng isang babae na nasa edad 50 at tatlong lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 50.

Lahat ng inilikas mula Wuhan City ay sasailalim sa pagsusuri at pauuwiin din agad sa kanilang mga tahanan sa sandaling walang makitang sintomas sa kanila.

Pero pinapayuhan sila na manaatili lamang muna sa kanilang mga bahay habang hindi lumalabas ang resulta ng pagsusuri na isasagawa ng mga health official.

TAGS: China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, Japan, japanese nationals from wuhan city, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, coronavirus, current events, Health, Inquirer News, Japan, japanese nationals from wuhan city, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.