Sen. Pia Cayetano sinabing dapat may programa kontra bisyo sa alak at sigarilyo

By Jan Escosio January 29, 2020 - 12:41 PM

File Photo

Naniniwala si Senator Pia Cayetano na dapat magkaroon ng komprehensibong istratehiya para matigil na sa bisyo sa alak at sigarilyo ang mga Filipino.

Aniya hindi dapat matapos sa pagpasa ng panibagong Sin Tax Law ang pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng ating mga kababayan.

Diin ni Cayetano hindi pa tapos ang kampanya dahil aniya ang pagiging epektibo ng batas ay nakasalalay sa pagpapatupad nito.

Dapat aniya suriin ang lahat ng mga programa sa bansa para mas magkaroon na mas epektibong kampaniya at matigil na ang ilang Filipino sa labis na pag-inom ng mga nakakalasing na inumin at sigarilyo.

Dagdag pa nito, makikipag ugnayan siya sa mga miyembro ng Kamara para palakasin pa ang mga regulasyon at maprotektahan ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo.

Nanawagan din siya sa mga kagawaran ng Edukasyon at Kalusugan na bantayan ang mga kabataan laban sa e-cigarettes na aniya ay bagong bisyo lang at hindi paraan para sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.

TAGS: bisyo, bisyo sa alak at sigarilyo, Sen. Pia Cayetano, Sin Tax Law, bisyo, bisyo sa alak at sigarilyo, Sen. Pia Cayetano, Sin Tax Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.