3 opisyal ng BuCor na dawit sa GCTA scandal, pinasisibak ng Ombudsman

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 11:25 AM

Pinasisibak sa pwesto ng Office of the Ombudsnman ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na dawit sa GCTA scandal.

Sa desisyon ng Ombudsman, napatunayang guilty sa kasong administratibo ang mga opisyal ng BuCor na sina Ramoncito Roque, Maria Belinda Tudor, at Veronica Bustamante Buno.

Ang tatlo ay ipinagharap ng reklamong conduct prejudicial to the best interest of the service. Dismissal of service ang hatol ng ombudsman sa tatlo.

Forfeited din ang kanilang retirement benefits, kanselado ang civil service eligibility, at bawal nang humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.

Ang GCTA scandal ay nag-ugat matapos mabunyag noon ang dapat sana ay paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Nang isagawa ang imbestigasyon ay natukoy na nagkakaroon ng GCTA for sale at may maling pagkwenta sa GCTA ng mga preso.

TAGS: bucor, Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez, GCTA, Maria Belinda Tudor, ombudsman, Ramoncito Roque, Veronica Bustamante Buno, bucor, Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez, GCTA, Maria Belinda Tudor, ombudsman, Ramoncito Roque, Veronica Bustamante Buno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.