Mga Pinoy sa Hubei Province na gustong umuwi sa bansa maari nang magpatala sa konsulada ng Pilipinas sa Shanghai

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 10:54 AM

Maari nang magpatala sa embahada ng Pilipinas sa Shanghai ang mga Filipino sa Hubei Province sa China na nais umuwi kasunod ng novel coronavirus outbreak.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi lang ang mga Pinoy sa Wuhan City ang maaring i-repatriate kundi maging ang mga Pinoy na nasa iba pang bahagi ng Hubei Province.

Inaasikaso na ngayon ng DFA ang special flights para masundo ang mga Pinoy.

Sa mga Pinoy na gusting umuwi ng Pilipinas pinapayuhan silang tumawag sa Philippine Consulate General sa Shanghai sa sumusunod na numero:

Tel. No.: (+86-21) 6281-8020
Fax No.: (+86-21) 6281-8023
Hotline No.: (+86) 1391 747-7112

Maari ding mag-email sa [email protected] / [email protected].

Sasailalim sa Disease Containment rules ng China ang mga Pinoy na magnanais umuwi.

Pagdating dito sa Pilipinas ay isasailalim sila sa 14 na araw na mandatory quarantine ayon sa Department of Health (DOH).

Sa mga Pinoy naman na mas gugustuhing manatili sa Wuhan City at iba pang bahagi ng Hubei Province inabushan silang sumunod sa abiso ng mga otoridad doon.

TAGS: China, coronavirus, current events, DFA, Health, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, coronavirus, current events, DFA, Health, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.