Opisyal ng Eastern Mindanao Police nakaligtas sa ambush; 1 kasamang pulis ang patay at 3 pa ang sugatan
Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos tambangan ang sinasakyan ng mga pulis mula sa Eastern Mindanao Police Office.
Sakay ng mobile patrol si Gen. Joselito Salido, deputy chief of the Directorate for Integrated Police Operation sa Eastern Mindanao at patungo sana sa Barangay Tikalan sa Talakag, Bukidnon.
Kasama ni Salido ang iba pang mga pulis.
Pinaulanan ng bala ang convoy ng mga pulis habang nasa daan sa Talakag.
Isa ang nasawi habang tatlo ang sugatan na pawang miyembro ng first police mobile force.
Hindi naman nasaktan si Salido.
Naglagay na ng checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Bukidnon para mahuli ang mga nasa likod ng pananambang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.