Task Force para sa novel coronavirus hindi na kailangan – Malakanyang
Walang balak ang Malakanyang na bumuo ng task force para tugunan ang problema sa novel coronavirus.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maayos naman na natututgunan ni Health Secretary Francisco Duque III ang naturang problema.
Katunayan may mga protocols na aniya na ginagawa ang DOH para maagapan ang pagkalat ng novel coronavirus.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na itinigil na ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-iisyu ng visa on arrivals para sa mga Chinese na turista.
Nagsimula ang novel coronavirus sa Wuhan City sa China.
Ilan sa mga hakbang na ginawa ng pamahalaan ang paglalagay ng mga thermal scanner sa mga airport, seaport at iba pang entry points sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.