Bakuna kontra novel coronavirus binubuo na ng US
Lumilikha na ng bakuna ang Estados Unidos laban sa novel coronavirus.
Ayon kay National Institutes of Health (NIH), handa rin ang gobyerno ng Amerika na magpadala ng sarili nitong mga team sa ground o sa Wuhan City para kumuha ng raw data at aralin ang pathogen ng sakit.
Sa ngayon nasa proseso na ang NIH ng pagbuo ng bakuna na tinatayang aabutin ng tatlong buwan bago maumpisahan ang unang trial.
Tinitignan din ng NIH ang worst scenario sa novel coronavirus na maari umanong mas tumindi pa ang outbreak.
Samantala, isang pribadong kumpanya din na Johnson & Johnson ang nagsabing lumilikha na rin sila ng bakuna kontra sa sakit.
Gagamitin ng kumpanya ang teknolohiya na ginamit nila noon sa paggawa ng bakuna konta Ebola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.