outbrain

Taxi driver patay matapos mangholdap ng pasahero na isa palang pulis

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 06:35 AM SHARE(S):

Patay ang isang taxi driver nang magdeklara ito ng holdap sa kaniyang pasahero na isa palang pulis.

Kinilala ang driver na si Elmer Tubil na pinara ni Staff Sgt. Ronald Carpio sa isang gasolinahan sa Macapagal Road para magpahatid sa condominium sa Dr. A. Santos Avenue sa ParaƱaque.

Ayon kay Carpio, nagtataka siya nang mag-u turn ang taxi at nagtungo sa madalim na bahagi sa C5 extension.

Tumabi ang taxi at saka nagdeklara ng holdap si Tubil at tinutukan ng baril ang pulis na pasahero.

Doon na pinaputukan ng suspek ang taxi driver gamit ang service firearm niya na 9mm pistol.

Ayon sa ParaƱaque City police, mayroong rekord sa kanilang istasyon si Tubil na dati nang inireklamo ng panghoholdap ng kaniyang pasahero.

TAGS: current events, holdap incident, Inquirer News, News in the Philippines, Paranaque, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taxi driver, current events, holdap incident, Inquirer News, News in the Philippines, Paranaque, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taxi driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.