Banta ng tsunami sa mga baybaying dagat ng bansa pinawi ng Phivolcs kasunod ng malakas na lindol sa Jamaica

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 06:00 AM

Walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng tumamang malakas na pagyanig sa Jamaica.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahan na magdudulot ng destructive tsunami ang malakas na pagyanig na unang naitala sa magnitude 7.3 pero kalaunan ay itinaas sa 7.7.

Ang malakas na lindol ay naramdaman hanggang sa Cuba, Honduras at ilang bahagi ng Amerika.

Sa Miami, Florida, nagsilikas ang mga nasa matataas na gusali matapos ang malakas na pagyanig.

Sandali ring nahinto ang biyahe ng Metro Rail at Metro Mover sa Miami-Dade County.

Nagsasagawa na ng inspeksyon ang mga building officials sa Miami para masigurong ligtas ang mga gusali.

TAGS: current events, earthquake, Inquirer News, Jamaica, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tsunami warning, current events, earthquake, Inquirer News, Jamaica, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tsunami warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.