#WALANGPASOK: Miyerkules, January 29, 2020
Nananatiling walang pasok sa ilang paaralan sa Maynila dahil bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng novel coronavirus.
Ngayong araw, January 29, 2020 kabilang sa nagsuspinde ng klase ang mga sumusunod:
– Hope Christian High School
– Philippine Cultural College
– Saint Jude Catholic School
– St. Stephen’s High School
– Uno High School
Samantala, sa Pace Academy sa Quezon City, ilang precautionary measures ang ipinatupad para masiguro na ligtas ang kalusugan ng mga mag-aaral.
Noong Lunes, habang suspendido ang klase ay nagsagawa ng disinfection sa mga silid-aralan.
Simula naman kahapon January 28 ay required ang mga estudyante na magdala ng 2 hanggang 3 masks bawat isa.
Pinagdala din sila ng sariling plastic na paglalagyan nila ng gamit nang masks.
Mas naghigpit din sa mga pumapasok sa paaralan at ang mga estudyante, magulang at kanilang guardians ay isinasailalim sa screening bago makapasok.
Ang mga mag-aaral na makikitaan ng sintomas ng trangkaso ay agad pauuwiin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.