Hidilyn Diaz, nagwagi ng 3 gintong medalya sa 2020 Weightlifting world cup

By Angellic Jordan January 28, 2020 - 09:19 PM

Nag-uwi si Hidilyn Diaz ng tatlong gintong medalya sa 55-kilogram women’s division ng 2020 Weightlifting World Cup sa Rome, Italy araw ng Martes.

Nakapagtala si Diaz ng 212 kilograms matapos mabuhat ang 93 kilograms sa snatch at 119 kilograms sa clean and jerk.

Pumangalawa naman ang pambato ng Ukraine na si Kamila Konotop matapos makakuha ng 90kg. sa snatch habang 106kg. naman sa clean and jerk.

Nasungkit naman ni Nouha Landoulsi mula sa Tunisia ang bronze medal makaraang makakuha ng 86kg. sa snatch at 108kg. sa clean and jerk.

Target ni Diaz na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.

TAGS: 2020 Weightlifting world cup, hidilyn diaz, weightlifting, 2020 Weightlifting world cup, hidilyn diaz, weightlifting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.