Air Asia, pinalawig ang suspensyon ng mga biyahe patungong Wuhan, China

By Angellic Jordan January 28, 2020 - 08:41 PM

AP File

Pinalawig ng Air Asia ang suspensyon ng kanilang mga biyahe patungong Wuhan City, China.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na banta ng 2019-novel coronavirus.

Ayon sa airline company, suspendido pa rin ang lahat ng biyahe mula Kota Kinabulu sa Malaysia, at maging sa Bangkok at Phuket sa Thailand patungong Wuhan hanggang February 29.

Sinabi ng Air Asia na gumagawa sila ng probisyon para sa guests na may flight bookings patungo at mula sa lahat ng destinasyon sa mainland China upang makakuha ng credit account o full refund.

Tiniyak naman nito na ang kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang prayoridad.

Patuloy ding nakatutok ang airline company sa sitwasyon ukol sa nasabing sakit.

TAGS: 2019 novel coronavirus, air asia, Air Asia flight cancellations, BUsiness, China, coronavirus, Wuhan City, 2019 novel coronavirus, air asia, Air Asia flight cancellations, BUsiness, China, coronavirus, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.