DOJ, hahayaan ang PNP na mag-imbestiga sa pamamaslang sa isang abogado sa Pampanga

By Angellic Jordan January 28, 2020 - 08:21 PM

Hahayaan ng Department of Justice (DOJ) ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng imbestigasyon sa pamamaril sa isang abogado sa Pampanga.

Nasawi si Atty. Anselmo “Sato” Carlos kasama ang drayber nito na si Marcial Mendoza makaraang pagbabarilin sa bahagi ng San Vicente Church sa bayan ng Sta. Rita.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hahayaan nila ang PNP na makakalap ng impormasyon sa krimen.

Kung magkaroon ng indikasyon na ipapasailalim ang kaso sa Administrative Order 35, bubuo aniya ang kagawaran ng special investigating team.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang mga responsable sa krimen.

TAGS: ambush in Pampanga, Atty. Anselmo "Sato" Carlos, DOJ, Marcial Mendoza, PNP, Sec. Menardo Guevarra, ambush in Pampanga, Atty. Anselmo "Sato" Carlos, DOJ, Marcial Mendoza, PNP, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.