3 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Taguig City
Patay ang tatlo katao habang sugatan ang dalawang menor de edad sa naganap na pamamaril sa Taguig City, Martes ng hapon.
Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), binaril ang mga biktima sa tapat mismo ng tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST) sa Gen. Santos Avenue sa Barangay Upper Bicutan bandang 2:30 ng hapon.
Kabilang anila sa nasawi ang isang Filipino at dalawang Chinese national.
Patuloy namang ginagamot ang dalawang sugatang menor de edad sa Taguig Pateros District Hospital.
Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pamamaril.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.