Mag-ina, patay sa pamamaril sa Bulacan
Natagpuang patay ang ang 64-anyos na babae at ang 30-anyos na anak niyang babae sa loob ng kanilang tahanan dakong alas-5 ng hapon ng Biyernes.
Nakahandusay na nang madatnan ng kanilang kaanak si Norma Camposano at ang anak niyang si Gloria Camposano sa kanilang bahay sa St. Agatha Homes sa Brgy. Tikay sa Malolos, na pawang mga tama ng bala ang ikinamatay.
Narinig umano ng mga kapitbahay ang mga putok ng baril na nanggaling sa loob ng bahay ng mag-ina ganap na alas-4:30 ng hapon.
Nang rumesponde ang mga pulis, natagpuan sa crime scene ang isang 9-mm na baril na hinihinalang mismong ginamit ng suspek sa pagpatay sa dalawang biktima.
Pinaghahanap ngayon ng mga pulis si Rommel Layug na asawa umano ni Gloria, na madalas umanong lumuluwas ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.