Employers na pumatay sa OFW sa Kuwait, kinasuhan ng ng murder
Kinasuhan na ng murder ang mag-asawang employer ng pinatay na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kinasuhan na ng murder ang mga responsable sa pangmamaltrato na ikinasawi ng Filipino domestic helper na si Jeanelyn Villavende.
Sa ngayon, nakakulong pa rin aniya ang mag-asawang employer sa isang pasilidad para sa mga ikinokonsidera bilang ‘high criminals.’
Sinabi pa ni Bello nakipagpulong siya sa Kuwaiti Ambassador to the Philippines para sa resoluyon ng kaso at mabigyang-prayoridad ng Kuwaiti government.
Matatandaang ipinatupad ang total deployment ban sa Kuwait matapos ang pagpatay kay Villavende.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.