Pag-ban sa mga dayuhan na galing sa mga bansang may kaso ng coronavirus, pinag-aaralan ng Palasyo

By Chona Yu January 28, 2020 - 04:17 PM

AP PHOTO

Pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagsuspinde sa pag-iisyu ng visa on arrival sa iba pang mga dayuhan na nanggaling sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng 2019-novel coronavirus.

Pahayag ito ng Palasyo matapos suspindehin ng Bureau of Immigration ang pag-iisyu ng visa on arrival sa mga Chinese visitor na pumapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nais lamang ng pamahalaan na masigurong ligtas ang bansa laban sa novel coronavirus.

Kabilang sa mga bansang may kumpirmadong kaso na ng novel coronavirus ang Japan, Nepal, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, Amerika at Vietnam.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hihintayin muna ng Palasyo ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) kung nararapat nang i-ban muna sa pagpasok sa bansa ang mga dayuhan na nanggaling sa mga lugar na may kaso ng novel coronavirus.

TAGS: 2019 novel coronavirus, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, visa on arrival, 2019 novel coronavirus, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, visa on arrival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.