Prostitusyon sa POGO, pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP
Inatasan na ng Palasyo ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa prostitusyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO industry sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, aarestuhiun ang sinumang sangkot sa prostitusyon.
“We will have that investigated. If that’s true then we have to do something about it… Like stopping prostitution and arresting those who are involved in it,” ani Panelo.
Sa imbestigasyon ng Senado, Martes ng umaga, nabunyag na mistulang pagkain lamang sa isang restaurant na inoorder ang mga prostitute.
Nagpapanggap aniya ang mga prostitute na nagtatrabaho na masahista sa spa facitlities.
May menu service aniya ang prostitutsion at inoorder na lamang ng mga Chinese member sa application ng chat group.
Nabatid na gaya ng nasa menu, nakalagay na ang presyo ng isang prostitute, ioorder online at darating na lamang sa isang hotel o condo.
Ayon kay Panelo, dapat na mahinto ang ganitong uri ng prostitusyon sa POGO industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.