Higit 100 buoy markers, inilagay ng PCG sa 7-km radius danger zone sa Taal Lake

By Angellic Jordan January 28, 2020 - 02:48 PM

Naglatag na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga buoy marker sa 7-kilometers radius na idineklarang danger zone sa bisinidad ng Taal Lake, Martes ng hapon.

Inilagay ng PCG Task Force Taal ang kabuuang 100 buoy markers sa 7-kilometer radius danger zone.

Samantala, habang nagsasagawa ng maritime patrol, inilikas ng PCG sa Southern Tagalog ang pitong motorbanca na lulan ang ilang residente na bumalik sa isla sa kabila ng deklarasyon ng total lockdown.

Kasabay ng evacuation, pinaalalahanan ng mga tauhan ng PCG ang mga residente sa posibleng panganib na marasanan kapag bumalik sa danger zone dahil patuloy pa rin ang seismic activity ng Bulkang Taal.

Hinikayat din ng PCG ang publiko sa sumunod sa mga ipinatutupad na safety measures para sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

TAGS: 7-kilometers radius danger zone in Taal Lake, buoy markers, PCG, Taal Volcano, 7-kilometers radius danger zone in Taal Lake, buoy markers, PCG, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.