Mas mabilis at abot kayang pangungutang ng mga magsasaka at mangingisda sa bangko isinusulong sa Kamara
Pinaamyendahan ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Republic Act 10000 o ang Agri-Agra Reform Act of 2009.
Ayon kay Salceda, inihain niya ang House Bill 6039 dahil sa hiling ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Kongreso na magpasa ng financial reform bill upang makamit ang credit rating na `A´ sa loob ng dalawang taon.
Layon ng panukala na gawing madali, accessible at mas mababa ang interes para sa loan ng mga magsasaka at mangingisda.
bukod sa gagawing accessible ang banking services sa mga magsasaka, itinutulak din ni Salceda ang ilang reporma sa mga bangko para suportahan ang mga kailangang financial inclusion projects sa mga probinsya.
Naging problema aniya sa kasalukuyang batas ang kawalan ng mekanismo para matulungan ang produksyon ng mga magsasaka, mababang kita, at pagiging high risk-credit ng mga ito.
Sa ilalim ng panukala, inoobliga ang mga bangko na magtakda ng credit level para sa mga magsasaka at mangingisda gayundin ang pagpapadali para sa pagpapautang at mas mababang interest ng loans.
Kapag naaprubahan ang panukala walang gastos na ilalabas ang mga magsasaka kung sila ay mangungutang.
Hindi aniya naging epektibo ang Agri-Agra Reform Act dahil wala namang mga bangko ang karamihan sa mga magsasaka at high-risk din ang mga ito pagdating sa pagpapautang ng mga conventional banks dahil sa dami ng kailangang requirements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.