PAGCOR nagbigay ng P20M na halaga ng portalets, tents sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkan Taal
Pinangunahan ni Pagcor Chairman and CEO Andrea Domingo ang pag turnover ng 163 portalets at mga tents sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council [NDRRMC].
Ayon kay Pagcor Vice President for Corporate Communication Twinkle Valdez nagkakahalaga ng P20-million ang mga nasabing portalets at tents na donasyon ng PAGCOR at CITY of DREAMS na nakatakdang ipamagi sa mga evacuation centers sa Batangas para magamit ng mga evacuee na biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Kaasama ni Chairman Domingo sina National Defense Secretary Delfin Lorenzana at Dir. Ricardo Jalad sa Turnover ceremony na ginanap ngayon araw ng Martes, Enero 28, 2020.
Una nang naglaan ng P2-bilyon pondo ang PAGCOR para sa pagpapatayo ng mga Multipurpose Evacuation Centers sa buong bansa.
Ayon kay Pagcor Vice president for social responsibility Group Jimmy Bondoc ipagpapatuloy ng pagcor ang pamamahagi ng tulong hangang sa makabalik sa normal na pamumuhay ang mga biktima ng mga kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.