Pinsan ni Honeylet Avanceña itinalagang Asec. sa Department of Human Settlement and Urban Development
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Melissa Aradanas ang pinsan ng kaniyang partner na si Honeylet Avanceña bilang assistant secretary ng Department of Human Settlement and Urban Development.
January 21 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Aradanas.
Matatandaang si Aradanas ay itinalaga na noon ni Pangulong uterte bilang commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor subalit sinibak noong December 2017.
Kasama ni Aradanas sa sinibak noon si dating PCUP Chairman Terry Ridon na kinuwestyon dahil sa madalas na pagbiyahe sa abroad at ang pagpapatawag ng mga en banc sessions na para lamang sa policy-making decisions at hindi para sa pang araw-araw na operasyon ng PCUP.
Subalit March 2018 itinalaga na naman ng pangulo si Aradanas bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Ito na ang ikatlong posisyon na nahawakan ni Aradanas sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.