Mga Amerikanong sundalo na nakakulong sa Pilipinas hindi ibabalik sa Amerika kahit na maibasura na ang VFA
Pinakakalma ng Malakanyang ang mga kritiko sa posibilidad na ibigay ng Pilipinas sa Amerika ang kostudiya sa mga Amerikanong sundalo na nakakulong sa bansa.
Ito ay kung tuluyan nang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang dapat na ipag-aalala ang taong bayan dahil mananatili sa kostudiya ng Pilipinas ang mga nakakulong na Amerikanong sundalo kahit na wala na VFA.
Halimbawa na ang kaso ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na ngayon ay nakakulong sa Camo Aguinanldo dahil sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong October 2014.
Ayon kay Panelo, hindi makawawala si Pemberton dahil nakagawa ito ng krimen na mahalaga sa Pilipinas.
Sa ilalim ng VFA, walang hurisdiksyon ang Pilipinas sa mga Amerikanong sundalo na nagkakasala sa bansa hangga’t wala itong litigant importance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.