2 Chinese cruise ships nakadaong sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 11:11 AM

May clearance mula sa Bureau of Quarantine ang pagdaong ng dalawang barko mula China sa South Harbor sa Maynila.

Dalawang cruise ship mula China ang nasa Pier 15 ngayon sa South Harbor ayon sa Philippine Coast Guard.

Ang isang barko ay ang World Dream Cruise Ship na dumating sa South Harbor ngayong Martes (Jan. 28) ng umaga galing Hong Kong.

Habang ang isa pa ay ang MV Ligulao na mula Jiangsu, China na dumating naman sa Maynila kahapon, Jan. 27.

Ayon sa coast guard, kapwa sinuri ang dalawang barko at mga sakay nito at pareho ding nabigyan ng clearance at naideklarang ‘safe’ ng Bureau of Quarantine.

Dahil sa banta ng novel coronavirus ay nagsasagawa ng mandatory inspections sa mga dumadaong na barko.

TAGS: chinese cruise ships, Inquirer News, Manila South Harbor, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Pier 15, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, chinese cruise ships, Inquirer News, Manila South Harbor, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Pier 15, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.