Inter-Agency Task Force na tututok sa infectious diseases muling binuo ng pamahalaan
Binuhay ng Department of Health (DOH) ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ito ay kasunod ng novel coronavirus scare na nagmula sa Wuhan City sa China.
Ang naturang task force ay binubuo ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang DOH, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), Deparment of Labor and Employment (DOLE), Civil Aeronautics Board (CAB), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Agad na nagsagawa ng pulong ang naturang task force ngayon araw.
Pinangunahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang pulong.
Matapos ang pulong agad magpapatawag ng press conference ang task force para iupdate ang publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.