Mga pasahero ng China Southern Airlines na may flight patungong China pwede nang magpa-rebook o humingi ng refund

Maari na ring mapa-rebook o humingi ng refund ang mga pasahero ng China Southern Airlines na mayroong nai-book na ticket patungong China.

Abiso ito ng airline company kasunod novel coronavirus scare sa China.

Ayon sa abiso, maaring humingi ng refund ang mga pasahero ng lahat ng China Southern 784 plane na mayroong nabiling tickets bago mag January 24 saanmang destinasyon.

Para naman sa mga tickets na nabili bago mag January 31 na patungo o galling Wuhan City at iba pang destinasyon, maari silang magpa-rebook nang walang penalties nan babayaran.

Kung ang ticket naman ay binili sa pamamagitan ng website ng China Southern Airlines, Mobile App, Wechat, at iba pang online channels, wala na ding babayaran sa change o refund fees.

Read more...