Japan ililikas na ang lahat ng kanilang mamamayan na nasa Wuhan City
By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 10:31 AM
Ililikas na rin ng Japan ang lahat ng kanilang mga mamamayan na nasa Wuhan City.
Sa datos ng foreign ministry office ng Japan, mayroong 430 na Japanese Nationals sa Wuhan.
Iniutos ni Prime Minister Shinzo Ave ang paglilikas na sa kanilang mga mamamayan na isasakay sa chartered flight.
Sinabi ni Abe na nakipag-ugnayan sila sa Chinese government para agarang maisagawa ang paglilikas.
Ang Japan ay nakapagtala na ng 4 na kumpirmadong kaso ng novel coronavirus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.