Dating AFP chief of staff Benjamin Madrigal itinalaga ni Pangulong Duterte sa PCA governing board

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng governing board ng Philippine Coconut Authority o PCA si dating AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal.

Ang appointment kay Madrigal ay nilagdaan ng pangulo noong January 21.

Ang PCA ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtalaga ang pangulo ng retiradong sundalo bilang miyembro ng kaniyang gabinete.

Depensa ng pangulo kaya niya itinatalaga sa iba’t ibang puwesto ang mga retiradong militar at pulis ay dahil sa madaling mautusan ang mga ito.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo bilang ad interim secretary ng Deparment of Budget and Managament (DBM) si Wendell Avisado.

Read more...