Unang kaso ng novel coronavirus naitala sa Germany
Nakapagtala na rin ng kaso ng novel coronavirus sa Germany.
Ang kaso ay naitala sa Bavarian Region matapos magpositibo sa virus ang isang lalaki.
Ayon sa Bavarian Ministry of Health sa Munich, naka-isolatena ang naturang lalaki at bumubuti naman ang kondisyon nito.
Dahil dito, napasama na ang Germany sa mga bansa na mayroong kumpirmadong kaso ng nCoV.
Samantala, naitala naman na sa Canada ang ikalawang kaso ng sakit.
Ito ay matapos na magpositibo sa nCoV ang misis ng lalaking pasyente na unang nagpositibo.
Nasa edad 50 ang babaeng pasyente at bumubuti naman na ang kondisyon.
Sa ngayon, maliban sa China, ang mga bansang may kumirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Thailand: 8
– Japan: 4
– South Korea: 4
– U.S.: 5
– Vietnam: 2
– Singapore: 5
– Malaysia: 4
– Nepal: 1
– France: 3
– Australia: 5
– Canada: 2
– Germany: 1
– Cambodia:1
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.