Earth, binubuo umano ng 2 nagsalpukang mga planeta ayon sa scientists

By Kathleen Betina Aenlle January 29, 2016 - 10:56 PM

Earth by NASABase sa resulta ng puspusang pag-aaral ng mga scientist sa University of California – Los Angeles (UCLA), lumalabas na ang Earth ngayon ay binubuo talaga ng dalawang planeta, ang Earth noon at isa pang mas maliit na planetang Theia.

Naniniwala ang mga scientists na nagkaroon ng malakas na salpukan ang Earth noon at ang Theia na nag-sanhi ng pagkaka-buo ng bagong Earth.

Sa lakas ng collision na ito, nabiyak ang Theia at tumalsik ang kapirasong bahagi nito sa space kaya nagkaroon ng Moon na hindi na naka-alpas sa gravity ng Earth.

Kung ganoon nga ang nangyari, inaasahan na ibang-iba ang magiging komposisyon ng Moon dahil kung iisipin, ito ay galing sa Theia.

Ngunit ayon sa UCLA professor at lead author ng pag-aaral na “Oxygen isotopic evidence for vigorous mixing during the Moon-forming giant impact” na si Edward Young, hindi ganoon ang kinalabasan sa kanilang pag-aaral.

Nang pag-aralan kasi ng scientists sa UCLA ang Moon rocks na inuwi sa Earth ng mga astronauts sa pamamagitan ng Apollo missions, natuklasan nilang pareho lamang ang oxygen isotopes nito sa Earth.

Ibig sabihin lang nito, ang collision ng Earth at Theia ay sobrang lakas na talagang nag-halo ang dalawang planeta at nag-sanhi ng pagka-buo ng isang bagong planeta, at isang maliit na bahagi nito ang tumalsik kaya nabuo ang Moon.

Ani Young, wala talaga silang nakikitang pagkakaiba sa oxygen isotopes ng Earth at ng Moon, dahil parehong paerho ang mga ito.

Lumalabas na talagang nag-halo nang maigi ang Earth at Theia, kaya naman ang komposisyon ng Moon ay parehong pareho na ng sa bagong Earth.

Ito aniya ang paliwanag kung bakit wala silang nakikitang anumang pagkakaiba o katiting man lamang na bakas ng Theia sa Moon kung ikukumpara sa Earth.

Tinatayang naganap ang nasabing salpukan ng dalawang planeta 100 million years matapos mabuo ang Earth, na 4.5 bilyong taon na ang nakakaraan.

Naging taliwas rin ang resulta ng pag-aaral na ito, sa natuklasan ng mga German scientists na magkaiba ang oxygen isotopes ng Moon at ng Earth.

TAGS: earth and theia collision, earth and theia collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.