Pagdaong ng mga barko sa Subic na may lulang mga Chinese tuloy ayon sa SBMA

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 09:14 AM

Pinayuhan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga residente sa Olongapo na huwag mag-panic kasunod ng inaasahang pagdating bukas sa Subic ng barko na may lulang mga Chinese Nationals.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni SBMA administrator Wilma Eisma, tuloy ang pagdaong ng mga barko sa Subic kabilang na ang galing Hong Kong na may lulang mga Chinese.

Ito ay base aniya sa guidelines ng Department of Health (DOH) na nagsabing hindi naman kailangang ipahinto ang mga biyahe.

Paliwanag ni Eisma, ang mga Cruise Ship na dumadaong sa Subic ay marami nang bansang hinintuan bago pa dumating sa Pilipinas.

Ibig sabihin, bawat bansang kanilang dinadaungan ay nagkakaroon na ng quarantine procedure sa mga pasahero.

Habang naglalayag ay kunukuhanan na rin aniya ng temperatura ang mga dayuhang sakay ng barko at pagdating ng Subic, muling magsasagawa ng screening procedure sa mga pasahero upang matiyak na wala silang sintomas ng flu.

Bilang precautionary measures ay binawalan naman na ang pagsalubong sa mga dayuhang bababa ng barko.

Pero paliwanag ni Eisma, ang mga pasaherong makikitaan ng sintomas ay hindi na pabababain ng barko.

Kasabay nito ay umapela si Eisma sa mga residente ng Olongapo na huwag magpakalat ng hindi kumpirmadong mga balita at impormasyon na magdudulot lamang ng panic at pagka-alarma sa mga residente.

TAGS: doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, sbma, Ship from Hong Kong, Tagalog breaking news, tagalog news website, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, sbma, Ship from Hong Kong, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.