Mas malakas na aktibidad naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 08:55 AM

FILE PHOTO

Mas malakas na aktibidad ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs sa nakalipas na magdamag ay weak hanngang voluminous emission ng kulay dirty white na steam-laden plumes ang ibinuga ng bulkan.

Ang taas ng ibinuga nitong usok ay umabot sa 100 hanggang 800 meters.

Mas bumaba naman ang ibinuga nitong Sulfur dioxide (SO2) at dahil masyadong mababa ay hindi na ito masukat gamit ang instrumental detection.

Nakapagtala naman ng kabuuang 92 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa magdamag na pawang mahihina lamang.

Ang patuloy na naitatalang pagyanig ayon sa Phivolcs ay senyales ng magmatic activity sa loob ng Taal.

Nananatili ang alert level 3 sa Bulkang Taal at ayon sa Phivolcs ay maari pa rin itong magkaroon ng pagsabog, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

TAGS: Batangas, Inquirer News, Mt Taal, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Taal eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Inquirer News, Mt Taal, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Taal eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.