US citizens na stranded sa Wuhan City ililikas na

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 08:53 AM

Pababalikin na sa Amerika ang mga mamamayan ng Estados Unidos kabilang ang ilang diplomats na naiipit ngayon sa Wuhan City.

Isasakay ang mahigit 200 mamamayan ng Amerika sa chartered flight bukas araw ng Miyerkules.

Aalis ng Tianhe International Airport sa Wuhan ang chartered flight Miyerkules ng umaga at lalapag sa Ontario, California.

Ayon sa US State department bago pa man umalis sa Wuhan ang eroplano ay sasailalim na sa screening process ang mga pasahero.

Mananatili naman ang normal procedure sa paliparan sa Ontario kung saan lalapag ang eroplano galing Wuhan.

TAGS: chartered flight, Evacuation, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us citizen from wuhan city, chartered flight, Evacuation, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us citizen from wuhan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.