Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon.
Naitala ang pagyanig sa layong 36 kilometers northeast ng Jomalig alas 6:11 ng umaga ng Martes, Jan. 28.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 2 kilometers.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.