LOOK: Mga pamilyang nagbabalikan sa kanilang mga tahanan sa mga bayan sa Batangas inasistihan ng Coast Guard

Nagtalaga ng mga truck ang Philippine Coast Guard (PCG) para tulungan ang mga inilikas na pamilya sa Batangas na magsisiuwian sa kani-kanilang mga bahay.

Simula kahapon, araw ng Lunes (Jan. 27) ay umasiste ang coast guard sa mga pamilyang nagbabalikan na sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa coast guard, umabot sa 121 pamilya ang naihatid nila pauwi sa kanilang bahay sa Bauan, San Nicolas at Lemery.

Tiniyak naman ng coast guard na sa kabila ng pagbaba at pahina ng aktibidad ng Bulkang Taal ay patuloy ang payo nila sa mga residente na iwasan ang bumalik sa mga lugar na nananatiling sakop ng danger zone.

Read more...