Canada naglabas ng travel advisory sa pagbiyahe sa China

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 07:13 AM

Nagpalabas na ng travel advisory ang gobyerno ng Canada sa ilang bahagi ng China.

Base sa abiso, pinaiiwas ang mga mamamayan ng Canada na bumiyahe patunong Hubei Province, Huanggang at sa Ezhou.

Ito ay para maiwasan ang paglaganap ng novel coronavirus sa Canada.

Ang Canada ay nakapagtala na ng isang kumpirmadong kaso ng coronavirus, habang mayroon pang isang inoobserbahan sa Toronto.

Sa China umabot na sa halos 3,000 ang kaso ng novel coronavirus.

TAGS: canada, China, hubei province, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, canada, China, hubei province, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.