Paglilitis kay dating Gov. Joel Reyes, pinatutuloy ng Korte Suprema

By Marilyn Montaño January 29, 2016 - 08:27 PM

reyes-0925-660x371Inatasan ng Korte Suprema ang Palawan Regional Trial Court (RTC) na ituloy ang paglilitis sa kaso ni dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega noong taong 2011.

Sa 21-pahinang desisyon na isinulat ni Justice Marvic Leonen, binanggit ng second division na naglabas na ang Palawan RTC Branch 52 ng arrest warrant laban kay Reyes matapos na makitaan ng probable cause ang kasong kriminal laban sa dating gobernador.

Ayon sa Supreme Court, oras na naihain na ang information sa korte ay may hurisdiksyon na ito sa kaso, anumang mosyon ukol sa kaso at pagtukoy kung guilty o inosente ang akusado.

Patunay umano ang paglalabas ng arrest warrant na ang lower court ay may independent determination ng probable cause.

Dagdag pa ng korte suprema, dapat nang iwasan ang pag-entertain sa anumang petisyon dahil may arrest warrant na laban sa respondent.

Tinukoy ng korte ang certiorari petition na inihain ni dating Justice secretary Leila de Lima na tinutulan ang desisyon ng Court of Appeals na nagbasura sa pagbuo ng kalihim ng second panel of prosecutors na muling mag-iimbestiga ng murder case.

TAGS: joel reyes, joel reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.