Hanggang P66 rollback sa kada tangke ng LPG ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa Pebrero

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 06:01 AM

Sasalubungin ng rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ang pagpasok buwan ng Pebrero.

Epektibo February 1, 2020 araw ng Sabado ay may rollback na ipatutupad sa presyo ng LPG na maglalaro sa pagitan ng P4 hanggang P6 kada kilo.

Mangangahulugan ito ng P44 hanggang P66 na rollback sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Ayon sa Department of Energy (DOE) bumaba ang halaga ng produktong petrolyo sa world market.

Nabawasan kasi ang pagbiyahe dahil sa coronavirus scare kaya bumaba din ang demand sa produktong petrolyo.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, LPG Price, News in the Philippines, oil products, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Price Rollback, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, LPG Price, News in the Philippines, oil products, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Price Rollback, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.