Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 05:57 AM

Epektibo na alas 6:00 ngayong umaga ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

May bawas na 30 centavos sa kada litro ng gasolina, 40 centavos sa kada litro ng diesel, at 35 centavos sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Shell, Petron, at Flying V.

Ang mga kumpanyang Chevron at SeaOil ay nauna nang nagpatupad ng rollback alas 12:01 ng madaling araw.

May parehong halaga ng rollback sa diesel at gasolina ang mga kumpanyang Total, Phoenix Petroleum, PTT, Petro Gazz at Cleanfuel.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng rollback ay bunsod ng paghina ng demand ng langis sa China dahil sa coronavirus scare.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.