Kananga, Leyte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers Northeast ng bayan ng Kananga, alas-4:50 umaga ng Martes (January 28).

May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Ormoc City.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...